https://pin.it/1Y2jiSBTL

Kung galit ka sa akin, mas galit ako sa sarili ko.

Yui
2 min readAug 23, 2024

--

Kung galit ka sa akin, mas galit ako sa sarili ko.

Nakakabigo at nakakahiya ang sarili ko, hindi ko alam ano ba talaga ang nadarama ko na sakit na hindi ko maintindihan. Ang gulo-gulo ng utak ko, ayaw akong patulugin, ayaw akong pagpahingahin, ayaw rin akong tulungan. Ang hirap maging ako sa totoo lang, ang hirap kong intindihin. sarili ko hindi ko maintindihan, ikaw pa kaya maintindihan mo ako?..

Nawala na naman sarili ko sa sariling kadiliman ng aking isipan, tanggap ko naman na hindi ako magiging maayos na, pero wala na ba talagang magbabago? Wala na bang ikakaayos ang utak kong magulo kasing gulo ng divisoria sa maynila. Kinukulong ko na naman ang sarili kong emosyon mula sakanila, ayaw ko silang magalala para sa akin, kahit na ako ay nanghihina na.

Gusto ko nalang magpahinga.

Nakakapagod maramdaman ang nararamdaman ko. ang hirap buoin kung ano ba talaga ang emosyon na dapat maramdaman ko, ang gulo nila sa utak ko. Pwede bang tumigil muna sila sa pang-gugulo sa akin, nanghihina na kasi ako sa totoo lang. Pagod na pagod na ako, hindi ko mai-alis sa isipan ko na nagiging ganito ako. Disappointed naman ako palagi eh, bakit ba ko nagugulat na bumabalik ako sa dati?

Nahihirapan na ako makipag-socialize sa mga tao at sa mga kaibigan ko, nakakapagod din pala pag paulit-ulit nalang binabalik ka ng mundo mula sa dati. Kinaya ko noon, kinaya kong pagaanin at pakalmahin ang damdamin ko pero bigla nalang akong tumamlay muli. Ang hirap ng ganitong ikot ng buhay, masarap nalang humimlay at matulog habang buhay na wala kang inaalala. Alam kong masyado pa akong bata para maranasan o maramdaman ito, pero hindi ko na rin kaya sa totoo lang. Ang hirap talaga, ang hirap.

Kahit simpleng pakikipagusap, simpleng pagbangon sa kama, simpleng pagkain ng tanghalian at hapunan, simpleng pag gawa ng assignments ; napapagod kaagad ako. Kailan ba ang araw na hindi ko na ito mararamdaman? Kung kailan patay na ba ako?..

Kahit isang yakap siguro maayos na ako muli.

--

--

Yui
Yui

Written by Yui

A voiceless girl writing the things she couldn't speak about.

No responses yet